5 nadakma sa Malabon buy-bust; P121K shabu nasabat

5 nadakma sa Malabon buy-bust; P121K shabu nasabat

May 15, 2022 @ 12:38 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Bagsak sa loob ng rehas na bakal ang limang hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang bebot matapos masakote sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon City.

Ayon kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-11 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT ALexander Dela Cruz ng buy bust operation sa Bernalez St. Brgy. Baritan na nagresulta sa pagkakaaresto kay Gemma Gutierrez, 45, Maya Pinky Francisco, 35 (Pusher/Listed) at Glenn Gutierrez, 33.

Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 9.8 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P66,640 at P500 marked money.

Dakong alas-2 naman ng madaling araw nitong Linggo nang mabitag ng mga operatiba ng SDEU si Philip Jhon Villar alyas “Ipe”, 38 at Niño Lacuata, 24, construction worker sa buy bust operation sa Rodriguez Street Brgy. Santulan.

Nasamsam sa mga naarestong suspek ang nasa 8.00 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price Php54, 400.00 at P500 buy bust money.

Ani PMSg Randy Billedo, kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act 2002. Boysan Buenaventura