5 nalibing nang buhay sa Bukidnon landslide

5 nalibing nang buhay sa Bukidnon landslide

October 20, 2022 @ 8:55 AM 2 months ago


BUKIDNOD – Patay ang nasa limang indibidwal sa landslide na naganap sa bayan ng Malitbog.

Base sa ulat, kabilang sa nasawi ang tatlong government employee na natabunan nang buhay ng putik at bato sa Sitio Mabuhay sa Barangay San Luis noong Lunes ng hapon, Oktubre 17.

Naapektuhan ng pagguho ng lupa ang kanilang dump truck at payloader gayundin ang isang kalapit na bahay, ayon sa ulat.

Samantala, patuloy pa rin ang search and retrieval operations para mahanap ang iba pang biktima. RNT