5% ng adult Pinoy ‘di handang magpabakuna vs. COVID – OCTA poll

5% ng adult Pinoy ‘di handang magpabakuna vs. COVID – OCTA poll

January 26, 2022 @ 4:50 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Tanging limang porsyento na lamang ng adult Filipino ang hindi handang magpabakuna laban sa COVID, batay sa pinakabagong poll ng OCTA na ‘Tugon ng Masa.’

Ang OCTA survey ay isinagawa noong Disyembre 7 hanggang 12, 2021.

Nananatiling mataas ang pangamba sa pagbabakuna sa Visayas at Mindanao na may tag-9% habang tag-3% naman sa National Capital Region at Balance Luzon.

Kung pagbabasehan naman ang socioeconomic classes, adult Filipinos sa Class D at E ang may pinakamalaking porsyento ng vaccine hesitancy na anim na porsyento kumpara sa 4% sa mga class ABC. RNT/FGDC