5 NPA nagbalik-loob sa pamahalaan

5 NPA nagbalik-loob sa pamahalaan

February 24, 2023 @ 7:43 PM 4 weeks ago


SAN MARIANO, ISABELA-Tuluyan nang nagbalik-loob sa pamahalaan ang limang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa 1st Isabela Provincial Mobile Force Company (1IPMFC) na nakabase sa Baligatan, Ilagan City, Isabela.

Kinilala ang mga rebelde na sina alyas Danny, 37-anyos; alyas Rachel, 46-anyos; alyas Rich, 29-anyos; alyas Ely, 61-anyos; at alyas Cardo, 50-anyos; at lahat ay pawang taga-bayan ng San Mariano, Isabela, ayon kay PLtCol Jeffrey Raposas, Force Commander ng 1st IPFMC; San Mariano Police Station; Isabela CIDG PFU; 201st RMFB2; 142SAC; at RIU 2 sa pakikipag-koordinasyon na rin sa 86IB at 95IB 502nd Brigade, Philippine Army.

Isa sa tinuturing na may malaking ambag sa pagsuko ng mga rebelde ay ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga Action Agent at mga dati ring rebelde maging ang mga aktibidad na nakapaloob sa Retooled Community Support Program (RCSP) na isinasagawa ng 1st IPFMC sa mga Internal Security Operation (ISO) infested area.

Samantala, dinala ng CTG Tracker Teams sa 1st IPMFC Headquarters ang naturang mga sumukong rebelde para sa ibayong tactical interview at kaukulang dokumentasyon para sa kanilang pagbabagong buhay. Rey Velasco