5 ospital sa Baguio ‘full capacity’ na

5 ospital sa Baguio ‘full capacity’ na

September 15, 2021 @ 9:18 AM 7 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Naabot na ang full capacity sa mga ospital sa Baguio City dahil sa patuloy na tumataas na kaso ng COVID.

Naitala na rito ang 289 bagong kaso nitong Setyembre 11, ayon kay Dr. Rowena Galpo.

“This was even higher than the April 2021 na surge natin (surge we experienced),” aniya sa  ABS-CBN’s Teleradyo.

“Although ang advisory naman nila as long as magkaroon ng vacant beds pwede naman silang tumanggap ng mga pasyente.”

Dagdag pa ni Galpo, sapat pa rin ang suplay ng oxygen at gamot bukod sa Tocilizumab.

“Malaking tulong talaga itong pagbakuna natin. Alam nating malaking proteksyon ang naibibigay ng bakuna.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •