5 pagyanig naitala sa Bulkang Bulusan; Alert Level 1 nananatili

5 pagyanig naitala sa Bulkang Bulusan; Alert Level 1 nananatili

June 18, 2022 @ 8:45 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakapagtala ng limang pagyanig sa Bulusan Volcano sa Sorsogon sa nakalipas na 24 oras, ayon sa bulletin nitong Sabado na ipinalabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Mas marami ito kumpara sa naiulat nitong Biyernes sa loob ng 24 oras.

Nagbuga rin ang bulkan ng 865 tonnes nitong Biyernes.

Na-obserbahan din ang usok na umaabot ng hanggang 200 metro ang taas patungo sa direksyong west-southwest, ayon sa PHIVOLCS

Nananatili namang nakataas ang Alert Level 1 remains ngayong Sabado, base sa PHIVOLCS. Nangangahulugan ito na ang bulkan ay nasa low-level unrest, subalit posible ang steam-driven o phreatic eruptions.

Muli namang iginiit ng ahensya na ipinagbabawal ang pagpasok sa four-km radius permanent danger zone (PDZ) at sa two-km extended danger zone (EDZ).

Matatandaang naiulat nitong Hunyo 12 na muling nakapagtala sa Bulusan Volcano sa Sorsogon ng phreatic eruption na tumagal ng hanggang 18 minuto. RNT/SA