5 pang tropical cyclones inaasahang papasok sa Pinas ngayong 2022 – PAGASA

5 pang tropical cyclones inaasahang papasok sa Pinas ngayong 2022 – PAGASA

October 31, 2022 @ 5:56 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Inaasahang papasok pa sa bansa ang hindi bababa sa limang tropical cyclones hanggang sa pagtatapos ng taon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) nitong Lunes.

Sa Laging Handa public briefing, tinanong si Pagasa forecaster Chris Perez kung ilan pang tropical cyclones ang inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) hanggang pagtatapos ng taon.

“Sa buwan ng Nobyembre, inaasahan pa natin is dalawa hanggang tatlong bagyo ‘yung posibleng ma-monitor natin, pumasok or mag-develop sa loob ng ating area of responsibility,” ani Perez.

“Habang sa buwan naman ng Disyembre, isa hanggang dalawang bagyo pa po,” aniya pa.

Sa kasalukuyan ay binabantayan ng Pagasa ang dalawang tropical cyclones: Severe Tropical Storm Paeng at Tropical Storm Queenie.

Inaasahan naman lalabas si Paeng, na kumitil sa 98 indibidwal, sa PAR ngayong Lunes ng hapon o mamayang gabi. RNT/SA