5 patay, 18 sugatan sa Colorado LGBTQ nightclub shooting

5 patay, 18 sugatan sa Colorado LGBTQ nightclub shooting

November 21, 2022 @ 8:10 AM 2 weeks ago


WASHINGTON —Hindi bababa sa limang indibidwal ang patay habang 18 ang sugatan, ayon sa pulis nitong Linggo, sa mass shooting sa LGBTQ nightclub sa US city ng Colorado Springs.

“It’s with a heavy heart I have to tell you that we had a shooting at a local club this evening,” pahayag ni police spokesperson Pamela Castro.

“We have 18 injured and five deceased. That number is subject to change as the investigation continues,” anunsyo niya.

Inihayag ni Castro na nakatanggap ang mga pulis ng emergency call bago mag-hatinggabi nitong Sabado (0657 GMT Linggo) at iniulat ang pamamaril sa isang local club na kilala bilang Club Q.

Sinabi niya na agad na rumesponde ang medical teams at officers at “they did locate one individual who we believe to be the suspect inside.”

Inihayag naman ng Club Q na ito ay “devastated by the senseless attack on our community.” 

“We thank the quick reactions of heroic customers that subdued the gunman and ended this hate attack,” saad sa post nito sa Facebook nitong Linggo.

Nauna nang nag-post ang club nitong Sabado ukol sa LGBTQ event pagsapit ng alas-8 ng gabi.

“We’re celebrating Transgender Day of Remembrance with a variety of gender identities and performance styles,” batay sa post. RNT/SA