5 patay, 4 sugatan sa Cotabato clash

5 patay, 4 sugatan sa Cotabato clash

December 30, 2021 @ 9:27 AM 8 months ago


Cotabato — Patay ang limang armadong kalalakihan hang apat ang sugatan kabilang ang tatlong pulis sa naganap na sagupaan sa isang remote village sa Cotabato.

Ayon kay Police Brig. Gen. Alexander Tagum, Soccsksargen police director, bineripika ng police officers at mga sundalo ang mga nakaw na sasakyan sa isang compound na pinatatakbo ng isang sindikato sa Barangay Gukotan.

Pagdating ng mga awtoridad, agad silang pinaulanan ng bala at nauwi sa barilan na nagtagal ng hanggang isang oras.

Kinilala naman ang ilan sa nasawi na sina Badrudin Masulot Dalid, Arbaya Dalid Panizares, Asraf Dalid Masulot, at Bunta Kabantu.

Nakita at nasamsam naman dito ang 440 assorted motorcycles; dalawang M-60 machineguns; B40 rocket-propelled grenade launchers; M14 rifle; M203 rifle fitted na may grenade launcher; tatlong M16 rifle; vintage .30-caliber carbine rifle; dalawang .38 caliber revolver; at panggawa ng bomba.

Boluntaryo namang isinuko ni Muhidin Dalaganon Mantok ang kanyang sarili sa mga awtoridad. RNT/FGDC