5 patay, 6 sugatan sa habagat – NDRRMC

5 patay, 6 sugatan sa habagat – NDRRMC

July 30, 2021 @ 5:32 PM 6 months ago


MANILA, Philippines – Nadagdagan pa ang mga nasawi dahil sa habagat, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Ang isa pang nasawi ay isang 18 anyos na lalaki na nalunod sa Ibaan, Batangas.

Patuloy namang bineberipika ang ulat sa tatlo pang nasawi.

Tatlo naman sa mga sugatan ay dulot ng insidente sa kalsada at nahulugan ng puno.

Bineberipika naman ang tatlo pang iba.

Dahil sa habagat, nagdeklara na ng state of calamity ang Masantol at Macabebe sa Pampanga.

Sa huling datos, apektado ng habagat ang 556,823 katao o 164,877 pamilya sa 321 barangay.

Kasalukuyan namang nananatili ang sa 138 evacuation center ang 9,702 katao o 2,517 pamilya. RNT/ELM