5 patay sa Bukidnon massacre

5 patay sa Bukidnon massacre

November 28, 2022 @ 3:23 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Patay ang lima katao sa pamamaril at pananaga nitong Linggo ng umaga, Nobyembre 27 sa Lantapan, Bukidnon.

Ayon sa pulisya, isang bahay na pagmamay-ari ng isang Mael Lugnasan ang pinasok ng 6 na mga suspek at doon na nagsimula ang walang habas na pamamaril.

Dahil dito, patay ang 4 na magkakamag-anak kasama na ang isang menor de edad.

Nakaligtas naman ang may-ari ng bahay na si Lugnasan na may tama ng bala sa tiyan.

Makalipas nito, nagtungo naman ang suspek sa bahay ng isa pang residente at doon naman pinagtataga ng bolo ang mga naabutan doon.

Nasawi sa nangyaring pananaga ang lalaking kinilala na si Daniel Lugnasan.

Ayon sa Lantapan police, naaresto na ang 3 sa mga suspek at patuloy naman ang paghahanap sa nakawalang 3 iba pa.

Sa ngayon ay hindi pa tukoy ang motibo ng krimen na hinihinalang dahil sa lupa. RNT/JGC