5 patay sa COVID sa Malabon; 3 todas sa Navotas

5 patay sa COVID sa Malabon; 3 todas sa Navotas

January 21, 2022 @ 11:02 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Limang COVID patients ang binawian ng buhay sa Malabon City nitong Enero 20 mula sa mga barangay ng Longos (1), Niugan (2), San Agustin (1), at Tugatog (1) at sumipa na sa 689 ang COVID death toll sa lungsod.

Ayon sa City Health Department, 178 ang nadagdag na confirmed cases sa nasabing araw mula sa Barangay Acacia (2), Bayan-bayanan (6), Catmon (40), Concepcion (14), Dampalit (2), Flores (3), Hulong Duhat (11), Longos (24), Maysilo (3), Muzon (3), Niugan (2), Potrero (14), San Agustin (11), Tañong (8), Tinajeros (3), at Tugatog (32). Sa kabuuan ay 24,528 ang positive cases sa lungsod, 579 dito ang active cases.

Sa kabilang banda, 499 ang bilang ng mga gumaling. Ang mga pasyente ay mula sa Barangay Bayan-bayanan (8), Catmon (93), Concepcion (51), Dampalit (28), Flores (1), Hulong Duhat (29), Longos (19), Muzon (19), Niugan (25), Panghulo (33), Potrero (68), San Agustin (4), Santulan (24), Tañong (58), at Tugatog (39). Sa kabuuan ay 23,260 ang recovered patients ng siyudad.

Tatlo naman ang natodas sa lungsod ng Navotas nitong Enero 19 at hanggang 8 pm ng nasabing araw ay 1,063 ang active cases matapos na 169 ang gumaling at 127 naman ang magpositibo sa virus.  Pumalo na sa 20,676 ang tinamaan ng COVID sa fishing capital, at dito ay 19,012 na ang gumaling at 601 na ang namatay.

Walang naitalang namatay dahil sa COVID sa Valenzuela nitong Enero 20 ngunit 2,068 pa rin ang active cases sa lungsod matapos na 552 ang gumaling at 294 naman ang mahawaan.  Sumampa na sa 42,103 ang nasapul ng pandemya sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 39,170 na ang gumaling at 865 na ang namatay.

Wala ring naitalang namatay dahil sa pandemya sa Caloocan nitong Enero 20 at bumaba sa 320 ang active cases sa lungsod.  Tumuntong na sa 67,511 ang total confirmed cases sa lungsod, at dito ay 65,537 na ang total recoveries at 1,654 na ang namamatay. Merly Iral