Bebot tiklo sa P170K shabu sa Caloocan

January 31, 2023 @4:04 PM
Views: 4
MANILA, Philippines – Swak sa kulungan ang isang babae na hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos makuhanan ng halos P.2 milyon halaga ng umano’y shabu nang maaresto sa buy bust operation sa Caloocan City.
Kinilala ni Northern Police District (NPD) DD PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr ang naarestong suspek bilang si Jamelah Casim, 36 at residente ng Brgy. 188.
Ayon sa ulat, dakong alas-10:15 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU-NPD) at Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan police ng joint buy bust operation sa Domato Ave. Phase 12, Barangay 188.
Isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon kay Casim ng P8,500 halaga ng droga at nang tanggapin niya ang marked money mula sa police poseur-buyer ay agad siyang dinakip ng mga operatiba.
Nakumpiska kay Casim ang dalawang heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P170,000 at buy bust money na isang P500 bill at 8 pirasong P1,000 boodle money.
Mahaharap ang naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. R.A Marquez
‘Eddie Garcia bill’ umarangkada na sa Kamara

January 31, 2023 @4:02 PM
Views: 5
MANILA, Philippines – Lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukalang naglalayong protektahan ang mga manggagawa sa film, television, at radio entertainment industry nitong Lunes, Enero 30.
Ang panukala na tinawag na “Eddie Garcia bill” o ang House Bill 1270 ay naglalayong magbigay ng oportunidad sa mga empleyado na magkaroon ng maayos na trabaho, maayos na sweldo, ligtas sa mga pang-aabuso, hazardous working conditions at economic exploitation.
Matatandaan na nasawi ang beteranong aktor na si Eddie Garcia noong 2019 makaraang magkaroon ng neck injury habang nasa shooting ng isang sikat na television series.
Ayon sa may-akda ng panukala na si Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte, ang mga production companies ay tuloy-tuloy na nagtatrabaho mula 16 hanggang 42 oras, batay sa datos mula sa Directors Guild of the Philippines.
“The movie and television industry is one of the many industries whose work hours are unorthodox, owing to the nature of the industry itself. They clock in depending on the needs of the shoot and work extra for preparations prior,” saad ni Villafuerte sa kanyang explanatory note.
“As they do not follow the regular eight to five work hours, there is a need to regulate the working conditions of this industry to avoid cases of overworking among their workforce,” dagdag niya.
Sinabi rin sa panukala na dapat bigyang konsiderasyon ang overtime work na hindi dapat lalampas sa mahigit 12 oras sa 24-hour period.
Layon din ng ‘Eddie Garcia bill’ na magbigay ng tamang kompensasyon, pasilidad, transportasyon at tirahan para sa mga talents at workers sa mga location shoots, kabilang ang social service benefits. RNT/JGC
Pokwang, pinaratangang ‘manggagamit’ ang ex!

January 31, 2023 @4:00 PM
Views: 5
Manila, Philippines – Hindi maubos maisip ng mga netizens kung bakit sinisiraan ngayon ni Pokwang ang dating karelasyon na si Lee O’Brian.
Mismong sa Instagram pa kasi ni Lee tinalakan ng komedyana ang mga tagapagtanggol ng American actor.
Si Lee ang ama ng anak nilang si Malia.
Ipinamukha ni Pokwang sa mga defenders ni Lee na hindi sila para pag-ukulan ng pansin nito.
Diretsong ipinost ni Pokwang na: “Manggagamit ‘yang taong ‘yan! Ha! Ha! Ha!”
May halong pang-iinsulto pang dugtong ni Pokwang na walang pera si Lee, at pag wala kang pera dito sa Pilipinas: “Tae ka!”
Doon na isiniwalat ni Pokwang na sa loob nang limang taon ay walang anumang ibinibigay na financial support si Lee para kay Malia.
Malia turned five recently.
Naguguluhan naman ang mga netizens sa bagong pasabog na ito ni Pokwang.
Kung matatandaan daw kasi, July 2021 nang ipagtanggol ni Pokwang si Lee laban sa mga bashers na nagsasabing palamunin niya ang dating karelasyon.
Kesyo mabait daw ito at may trabaho.
Never daw na naging isyu ang pera sa kanilang dalawa, bagkus ay napagod lang daw sila.
Wala rin daw third party involved sa kanilang paghihiwalay.
Kung ganoon daw ay bakit nagpapakawala ng masasakit na salita ngayon si Pokwang?
Tanong ng mga nalilitong netizens: bitter daw ba ang komedyana dahil may iba nang nilalandi si Lee? Ronnie Carrasco III
Standardized date labels sa produkto, isinulong ni Bong Go

January 31, 2023 @3:49 PM
Views: 9
MANILA, Philippines – Sa pagsisikap na maprotektahan ang interes ng mga konsyumer, inihain ni Senator Christopher “Bong” Go ang Senate Bill No. 1785 na layong iatas ang paggamit ng standardized date labels sa mga consumer products.
Sa explanatory note sa kanyang panukalang batas, sinabi ni Go na karamihan sa mga produktong pagkain at gamot na kinokonsumo ng mga Pilipino ay hindi nakabalot na may standard label.
Higit dito, ang mga kasalukuyang pamantayan ay hindi sapat sa pagbibigay ng standard format kung paano dapat ipakita ang mga label ng pagkain sa packaging.
“Hence, it is appropriate to distinctly provide when the product was manufactured, when it becomes unsafe to consume, and when it is at peak quality,” sabi ni Go.
Ang SBN 1785 na sususog sa Republic Act No. 7394 o Consumer Act of the Philippines, ay magmumungkahi na maglagay ng standard printed display na nakasaad ang “manufacturing date”, “expiration date” at kung angkop, ang “best before date” sa consumer at drug products.
Gayundin, ang panukalang batas ay naglalayong huwag pahintulutan ang paggamit ng iba pang parirala, tulad ng “use-by”, “consume before” at “best if used by”.
Nais din ng panukalang batas na ang teksto ng petsa ay dapat na naka-print sa isang estilong madaling basahin, gamit ang malalaki at maliliit na titik sa karaniwang anyo.
Ang teksto ng petsa ay dapat ding matatagpuan sa isang kapansin-pansing lugar sa packaging ng produkto at malinaw at malinaw na naka-print sa label ang buwan, araw, at taon.
Upang maiwasan ang kalituhan, ang araw at taon ay dapat nakasulat sa mga numero habang ang buwan ay dapat nakasulat sa mga salita.
Kung maisasabatas, ang lahat ng consumer products na hindi sumusunod sa kinakailangan label ng petsa ay hindi ibebenta o ipapamahagi sa merkado bago ang Enero 2024.
Sinabi ni Go na ang standardized date labels sa consumer products ay makatutulong upang matiyak na ang mga produkto ay ligtas kainin at hindi pa expired, kaya itinataguyod ang kaligtasan ng mga Pilipinong mamimili.
“Ang pagkonsumo ng mga expired o sira na produkto ay maaaring humantong sa malubhang problema sa kalusugan. Kaya naman, ang mga standardized date label ay nakatutulong sa mga mamimili na matukoy ang mga produktong hindi na ligtas kainin at itapon ang mga ito bago makapagdulot ng pinsala,” ani Go.
“Bukod dito, ang paggamit ng standardized na format para sa mga label ng petsa ay ginagawang mas madali para sa mga mamimili na maunawaan at bigyang-kahulugan ang impormasyon,” pagtatapos niya. RNT
Army kampeon sa 4th leg ng PH Dragon Boat Federation Regatta

January 31, 2023 @3:36 PM
Views: 13