5 patay sa pamamaril sa North Carolina

5 patay sa pamamaril sa North Carolina

October 14, 2022 @ 2:07 PM 2 months ago


NORTH CAROLINA, United States – Patay ang lima katao kabilang ang isang off-duty police officer sa nangyaring pamamaril nitong Huwebes, Oktubre 13 (oras sa Amerika) sa Raleigh, North Carolina.

Ayon kay Mayor Mary-Ann Baldwin ng nasabing lungsod, nangyari ang shooting incident malapit sa Neuse River Greenway na isang popular na pasyalan sa lugar.

“This is a sad and tragic day for the city of Raleigh. Just after 5:00 pm today, multiple people were shot,” sinabi ni Baldwin kasabay ng pulong balitaan.

Agad naman na naaresto ang suspek at ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya.

Matatandaan na nakapagtala na rin ng maraming insidente ng pamamaril ang Estados Unidos sa mga nakalipas na buwan at maituturing na malaking problema sa bansa, kung saan umabot na sa 49,000 ang mga nasawi mula sa shooting incidents nitong 2021 lamang.

Lumalabas na mahigit 130 katao ang namamatay araw-araw dahil sa baril. RNT/JGC