5 persons of interest sa imbestigasyon vs pekeng BI appointment tinutunton na

5 persons of interest sa imbestigasyon vs pekeng BI appointment tinutunton na

September 2, 2022 @ 3:06 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Tinutunton na ng mga imbestigador ang limang persons of interest na umano’y sangkot sa pekeng dokumento na nag-aanunsyo ng appointment ng bagong komisyoner ng Bureau of Immigration (BI).

“Sa ngayon ay may limang tao po tayong na-identify, kung saan ang tatlo po ay napadalhan na ng subpeona sa kani-kanilang known address. Samantala, ang dalawa pang personalidad ay patuloy na inaalam ang kasalukuyang tirahan,” ayon kau Criminal Investigation and Detection Group director Brig. Gen. Ronald Lee said nitong Huwebes.

Samantala, nanawagan naman si Lee, sa kooperasyon ng mga unang natukoy upang isiwalat ang katotohanan sa pamamagitan ng maibibigay nilang impormasyon.

Idinagdag niya na lahat ng impormasyong makukuha ay bubusisiin.

“Our appeal continues for those who may have information about the said incident. Seryoso po ang pangyayaring ito at magpapatuloy ang malalim na pasisiyasat para sa ikalulutas ng mapangahas na gawaing ito,” giit ni Lee.

Ipinag-utos ng Malakanyang nitong Martes sa National Bureau of Investigation at sa Philippine National Police na imbestigahan ang paglalabas ng pekeng dokumento.

Nauna nang inihayag ng Malakanyang na walang dokumento para sa posisyon ng BI chief ang  ipinalabas ng Presidential Management Staff, Office of the Executive Secretary, o ng Office of the President. RNT/SA