5 rescuer na nasawi kay ‘Karding’ pinarangalan ng DILG

5 rescuer na nasawi kay ‘Karding’ pinarangalan ng DILG

September 27, 2022 @ 7:20 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Pinarangalan at binigyan ng pagpupugay ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang limang bayaning rescuers na nagbuwis ng kanilang buhay habang nagsasagawa ng rescue mission sa San Miguel, Bulacan, sa kasagsagan nang pananalasa ng Super Bagyong Karding noong Linggo ng gabi.

Kasabay nito, nagpaabot din si DILG Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. ng taos-pusong pakikiramay at mataimtim na panalangin para sa mga pamilya ng limang rescuers na sina Narciso Calayag, Jerson Resurreccion, Marvy Bartolome, George Agustin, at Troy Justin Agustin.

“The Department of the Interior and Local Government (DILG) joins the Bulacan provincial government and the Bulakeños in grieving for the five brave heroes of the Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (BPDRRMO) who perished during a rescue mission at the height of Super Typhoon Karding yesterday, September 25, 2022,” ani Abalos.

“Our snappy salute to Narciso Calayag, Jerson Resurreccion, Marvy Bartolome, George Agustin, and Troy Justin Agustin of the BPDRRMO for responding to the call of duty and rendering an unequivocal testament of genuine public service even at the expense of their own lives,” dagdag ng DILG chief.

Lumabalabas na Linggo ng gabi ay nagsasagawa ng rescue operations ang mga biktima nang abutan sila ng flash flood at madaganan ng gumuhong pader sa Barangay Camias, sa bayan ng San Miguel.

Nabatid na sakay umano ang mga biktima ng isang rescue boat nang maganap ang insidente, matapos na masira ang kanilang truck habang patungo sa kanilang misyon.

Iniulat na nawawala ang mga biktima at nang hanapin ay nadiskubre na lamang ang kanilang mga labi sa Sitio Banga-Banga, Barangay Camias. Jan Sinocruz