5 rescuers na nasawi sa Bagyong Karding pinapurihan ng Kamara

5 rescuers na nasawi sa Bagyong Karding pinapurihan ng Kamara

September 29, 2022 @ 11:36 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Pinagtibay ng Kamara ang House Resolution 421 na kumikilala sa katapangan at pagiging bayani ng limang miyembro ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) rescue personnel na nasawi sa gitna ng kanilang rescue mission sa Barangay Kamias sa San Miguel Bulacan sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Karding.

Ang lima na tinuring na bayani ng mga mambabatas ay sina:

  • Narciso Calayag, Jr.

  • Jerson Resurreccion

  • Marby Bartolome

  • George Agustin

  • Troy Justin Agustin

Ang nasabing resolusyon ay inihain nina House Speaker Martin Romualdez, House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, House Minority Leader Marcelino Libanan, Senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander Marcos at Reps. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre ng Tingog party-list.

“While in the conduct of their rescue mission, the rescuers were wading through the flood when a wall collapsed on them and were dragged away by the raging flood.The five rescuers gave their lives in the service of others and thus, are worthy of commendation and emulation by all Filipinos for their heroism, patriotism, bravery and dedication to public service,” nakasaad sa resolusyon.

Ang kopya ng resolusyon ng Kamara ay ipadadala sa mga naulilang pamilya ng mga rescuers. Gail Mendoza