5 rescuers sa Bulacan patay sa hagupit ni #KardingPh

5 rescuers sa Bulacan patay sa hagupit ni #KardingPh

September 26, 2022 @ 9:06 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Kinumpirma ng mga awtoridad nitong Lunes na limang local rescuers ang natagpuang patay nang malunod habang rumeresponde sa flood-hit villages sa bayan ng San Miguel town.

Kabilang ang mga biktima sa Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), ayon kay San Miguel Mayor Roderick Tiongson.

Sinabi naman ni Gov. Daniel Fernando, na nagkumpirma sa pagkasawi ng rescuers na dinala na sa punerarya ang mga bangkay.

Ipinadala ang PDDRMO members kaninang alas-4 ng madaling araw upang tulungan ang mag residente sa Barangays Tigpalas at Samias.

Sinabi ni Tiongson na nawalan sila ng contact sa limang PDRRMO personnel nang umabot ang baha sa 6 talampakan. RNT/SA