5 Senate bill nakikitang magpapaunlad sa PH livestock sector

5 Senate bill nakikitang magpapaunlad sa PH livestock sector

January 28, 2022 @ 7:36 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Natuwa at nagpahayag ng suporta ang Department of Agriculture (DA) sa pagkakapasa ng Senate Bill 139, o Philippine Livestock Industry Development Act, at apat pang mga panukala na makapagpapalakas sa livestock sector.

Sa pahayag ni DA Secretary William Dar nagpasalamat siya sa mga hakbangin para palakasin ang sektor ng agrikultura.

“With the right budget allocation and support from (the) government, the livestock industry will bounce back, contributing its share in total agriculture sector growth,” ani Dar.

Ang SB 139, na inakda nina Senators Cynthia Villar at Nancy Binay, ay target palakasin ang livestock industry para masuportahan ang development, protection, at regulatory functions.

Pasok sa panukala ang mga dairy at native animals, maging ang poultry.

Target nito na magtatag ng livestock development fund para masiguro ang taunang suporta mula sa gobyerno.

“We perceive that this bill is very timely and critical to the overall and rapid development of the industry,” sinabi naman ni DA undersecretary for livestock Dr. William Medrano.

Sa kabilang banda, ang apat pang livestock development bills ay kinabibilangan ng Senate Bill 821, Philippine Native Animal Development Act na inakda ni Senator Sonny Angara; Senate Bill 1048 na nagbibigay ng direct financial assistance sa backyard livestock raisers na inakda ni Senator Ralph Recto; Senate Bill 1297, o ang Livestock-Related Disease Diagnostic Laboratory Act na inakda ni Sen. Lito Lapid; at Senate Bill 2176, o ang Affordable Pork Act na inakda ni Sen. Francis Pangilinan. RNT