5 taon matapos ang 2016 Arbitral ruling: Presensya ng Tsina sa WPS, lumala pa

5 taon matapos ang 2016 Arbitral ruling: Presensya ng Tsina sa WPS, lumala pa

July 9, 2021 @ 7:29 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Mas dumalas pa ang engkwentro ng mga mangingisdang Pilipino sa mga bangka ng Tsina.

Kwento ng mangingisdang si Randy Megu, ilang beses niyang sinuong ang bagyo sa South China Sea pero ngayon, mas kinatatakutan niya ang makakita ng Chinese maritime enforcement vessel sa nasabing karagatan.

“Takot na takot ako,” sabi ni Megu habang inilalarawan kung paanong sinubaybayan ng barko ng Tsina ang kanyang bangka sa loob ng tatlong oras noong Mayo.

Ang iba namang mangingisda, isinumbong ang pambobomba sa kanila ng water cannon habang nangingisda sa itinuturing nilang historic fishing grounds, na inasahan nilang bubuti ang paglalayag nila sa lugar matapos ang ruling ng The Hague noong 2016.

Noong Marso, ilang diplomatic protest ang inihain ng Pilipinas laban sa China matapos na mamataam sa exclusive economic zone (EEZ) ng bansa ang nasa 200 Chinese militia vessels.

Sa kabuuan, 128 protesta na ang naihain ng bansa laban sa mga aktibidad ng China sa West Philippine Sea. RNT