5 tindera nabiktima ng pekeng pera 

5 tindera nabiktima ng pekeng pera 

January 29, 2022 @ 12:10 PM 8 months ago


Isabela – Posibleng madaragdagan pa ang magreklamo matapos mabiktima ang limang tindera nang madiskubreng pekeng pera ang ibiniyad sa kanila ng kanilang kustomer na kawatan sa palengke malapit sa kilalang mall sa bayan ng Roxas dito sa nasabing lalawigan.

Sa panayam ng REMATE kay PMaj. Rassel Tuliao, hepe ng Roxas Police Station na kasalukuyan ngayon iniimbestigahan ang pagkalat ng pekeng 1000 peso bills at 500 peso bills na ginamit na pambili sa mga tindera.

Habang isinusulat ang balitang ito ay kasalukuyan ngayong niire-review ang kuha ng CCTV ng Mall kung saan ay isang tindera ang nakapansin na peke ang isang libong pisong papel na ibinili sa kanya.

May ilan pang tindera ang nabiktima ng  peke ang pera na ipinambili sa kanilang mga paninda.

Ayon kay PMaj Tuliao, umabot sa limang tindera ang nagtungo sa kanilang himpilan para isumbong ang pekeng pera na kanilang natanggap mula sa ilang mamimili.

Dahil dito, isinuko sa kanila ang mga pera na huwad o peke ang apat na P1,000 at isang P500 bills.

Sa isang tinderang nabiktima na may isang tao na bumili sa kanya ng gulay na 100 pesos ang halaga ngunit 1,000 pesos ang kanyang pera.

Iniwan muna ang binili ngunit hindi na binalikan.

Sa pamamagitan ng pagreview sa kuha ng CCTV ng mall ay maaaring matukoy ang mga taong gumamit sa pekeng pera na pambili sa produkto ng mga nabiktimang tindera.

Dahil dito ay nagsagawa sila ng Oplan Tambuli at pinagsabihan nila ang mga barangay kapitan sa pamamagitan ng kanilang group chat na magbigay ng impormasyon at babala sa kanilang mga barangay hinggil sa kumakalat na pekeng pera.

Kaalinsabay ng paalala ng pulisya kung may mabiktima sa mga barangay ay agad aniyang ipabatid sa himpilan ng pulisya maliban sa mga palengke na maaring samantalahin ng mga manlolokong indibidwal. (REY VELASCO)