5 todas sa COVID sa Navotas, 1 sa Malabon

5 todas sa COVID sa Navotas, 1 sa Malabon

January 17, 2022 @ 11:00 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Lima ang natodas sa lungsod ng Navotas nitong Enero 15 at umakyat sa 1,611 ang active cases sa lungsod matapos na 58 ang mahawaan at 165 naman ang gumaling.

Pumalo na sa 20,108 ang tinamaan ng COVID sa fishing capital, at sa nasabing bilang ay 17, 903 na ang gumaling at 594 na ang namatay.

Kaugnay nito bahay-bahay nang ipinamahagi ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang mga dumating na order nitong paracetamol, phenylpropanolamine at Vitamin C upang hindi na pumila ang mga mamamayan.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, lahat ng pamilyang Navoteño ay pagkakalooban ng mga gamot at bitamina, at 5, 240 pamilya na ang napuntahan at nabigyan ng mga distribution teams. “Tandaan po parati, prevention is better than cure, kaya mag-ingat pa rin po upang makaiwas sa, stay safe,” anang alkalde, na humingi rin ng pang-unawa sa pagkaantala ng distribusyon dahil may mga kawaning nagkasakit.

Samantala, isang COVID patient mula sa Barangay Catmon, Malabon ang binawian ng buhay at umakyat na sa 678 ang COVID death toll ng lungsod.

Ayon sa City Health Department, 95 ang nadagdag na confirmed cases nitong Enero 16 at sa kabuuan ay nasa,892 ang positive cases sa siyudad, 1,407 dito ang active cases. Sa kabilang banda, 173 ang gumaling at sa kabuuan ay 21,807 ang recovered patients ng lungsod.

Isa naman ang naitalang reinfection o muling nagpositibo sa COVID-19 mula sa Barangay Potrero. Merly Iral