5 tulak kulong sa P108K shabu sa Malabon

5 tulak kulong sa P108K shabu sa Malabon

January 31, 2022 @ 6:30 AM 8 months ago


Kulungan ang kinahantungan ng tatlong bagong identified drug pushers, kabilang ang magkapatid na bebot matapos masakote sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City.

Ayon kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-3 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Alexander Dela Cruz ng buy bust operation sa kahabaan ng Pinagtipunan Circle corner Santol Road., Brgy. Potrero.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang SDEU hinggil sa umano’y illegal drug activities ni Ester Dela Cruz alyas “Teru”, 37, Sharon Dela Cruz alyas “Shawie”, 31, at Benjie Gardoce alyas “Bebe”, 23, pawang mga residente ng Caloocan City.

Isang undercover police na nagpanggap na buyer ang nagawang makaiskor sa mga suspek ng P500 halaga ng droga at nang matapos ang kanilang transaksyon ay agad inaresto ng mga operatiba ang mga suspek.

Ani SDEU investigator PSSg Jerry Basungit, nakumpiska sa kanila ang tinatayang nasa 9 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P61,200 at marked money.

Nauna rito, dakong alas-9:30 ng gabi nang masakote din ng kabilang team ng SDEU si Adrian Besin, 24, delivery rider at Christer Olajay alyas “Terry Boy”, 18, kapwa ng Caloocan City sa buy bust operation sa M.H Del Pilar Brgy. Tugatog, Malabon city.

Sinabi ni PMSg Randy Billedo, narekober sa mga suspek ang tinatayang nasa 7.00 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) P47,600.00 at P500 marked money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Boysan Buenaventura)