5 tulak nadakma ng QCPD

5 tulak nadakma ng QCPD

July 7, 2022 @ 4:56 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nalambat ng Quezon City Police District (QCPD) ang limang tulak na kinabibilangan ng isang High Value Traget (HVT) sa magkahiwalay na buy-bust operation na nagresulta sa pagkakasamsam ng P782,000 halaga ng shabu sa nasabing lungsod.

Kinilala ni QCPD Director PBGEN Remus Medina ang mga nadakip sa operation ng Masambong Police Station 2 sa ilalim ng pamumuno nii PLTCOL Imelda Reyes na sina Amor Furagganan, 44-anyos, residente ng Brgy. Baesa, Quezon City, nakalista bilang High-Value Individual (HVI) at kasama sa Directorate for Intelligence (DI) drug watch list; Ronald Pedrito alias “Glen”, 29, at Karmjit Singhparmar alias “Anjit”, 34, kapwa residente ng Brgy. Bahay Toro, Q.C.

Base sa ulat, pasado ala-1 ng madaling araw (July 6) nang isagawa ang drug operation sa harapan ng Roosevelt Apartment na matatagpuan sa FPJ Ave., Brgy. Katipunan, Q.C.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 100 gramo ng shabu na nagkakahalagang P680,000 at ang buy-bust money.

Samantala, nadakip ang dalawa pang drug suspects sa isinagawang buy-bust operation ng Talipapa Police (PS 3) sa pamumuno ni PLTCOL Alexander G Barredo dakong alas-12:15 ng madaling araw (Hulyo 6) sa kahabaan ng NDR, Ilalim ng Tulay, Brgy. Unang Sigaw, Q.C.

Ang mga suspek na naarrsto ay nakilala na sina Marvin Amaro alias “Bunga”, 35, nakatira sa Brgy. Unang Sigaw, Q.C. at John Christopher Arpon, 23 , ng Brgy. Baesa, Q.C.

Narekober mula sa dalawa ang 15 gramo ng shabu na nagkakahalagang Php102,000, buy-bust money at cellphone na ginamit sa transaksyon.

Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

“Bilang tugon sa mga kautusan at paggabay ng higher headquarters, patuloy pa naming pinapalakas ang aming mga operasyon sa QCPD lalung-lalo na sa pagsugpo sa iligal na droga upang matiyak ang kapayapaan at kaayusang inaasahan ng publiko mula sa aming hanay,” pahayag ni PBGEN Medina. Jan Sinocruz