5 tulak timbog sa buy-bust ops sa Las Piñas

5 tulak timbog sa buy-bust ops sa Las Piñas

December 12, 2022 @ 10:14 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Arestado mga tauhan ng Southern Police District-Drug Enforcement Unit (SPD-DEU) ang limang diumano’y tulak ng illegal na droga kabilang ang nagmamay-ari ng drug den s isinagawang drug-buy bust operation nitong Disyembre 10 sa Las Piñas City.

Kinilala ni SPD director P/Brig. Gen. John Brion Kraft ang mga inarestong suspects na sina John Paul Nartea Rosales, alias Ivan, 18, nagmamay-ari ng drug den; Philip Bombales Lumapas Jr, 18; Lhennard Badoy Rusiana, 22, delivery boy; Prince Ivan Bacud Gabrinao, 22; at Carl Spencer Asaytono Dequinon, 23, construction worker. Ang lahat ng mga inarestong suspects ay kabilang sa high-value individual (HVI) ng pulisya.

Si Lumapas ay kasalukuyang sumasailalim sa probation dahil sa kasong droga noong siya ay naaresto.

Naisagawa ang matagumpay na operasyon ng SPD-DEU sa nabanggit na drug den na pinangangasiwaan ni Rosales dakong alas-4:20 ng umaga sa Brgy. Aldana, Las Piñas City.

Sa naturang operasyon ay nakumpiska ng mga operatiba sa posesyon ng mga suspects ang 28 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P190,400 at 550 gramo ng pinatuyong dahoon ng marijuana na nagkakahalaga naman ng P66,000.

Bukod pa sa nakumpsikang illegal na dorga ay nakarekober din ang operatiba ng SPD-DEU isang .38-kalibre rebolber na kargado ng apat na bala, isang LV sling bag, at ang P1,000 buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 (Anti-illegal Drugs law) ang mga suspects na kasalukuyang nakapiit sa SPD-DEU custodial facility. James I. Catapusan