5 tulay sa Isabela, Cagayan, lubog sa baha

5 tulay sa Isabela, Cagayan, lubog sa baha

January 3, 2023 @ 9:42 AM 4 weeks ago


ILAGAN, Isabela– Lubog ang limang tulay sa Lalawigan ng Isabela at Cagayan bunsod ng malakas na ulan na epekto ng hanging amihan.

Iniulat ng local disaster risk-reduction management offices sa parehong probinsiya na kabilang sa limang tulay na umapaw na ay ang Barangay Baculod sa lungsod na ito, ang Cansan Bridge na nag-uugnay sa mga bayan ng Santo Tomas at Cabagan, at Santa Maria-Cabagan, lahat sa Isabela, at ang Pinacanauan Bridge sa Tuguegarao City at ang Bagunot Bridge sa Baggao, parehong nasa Cagayan.

Samantala, naitala ang ang 190.30 meters above sea level ng tubig sa Magat Dam nitong Lunes, habang ang pag-agos nito ay naitala sa 395.69 cubic meters per second, habang ang outflow nito ay naka-peg sa 572.78 cms.

Nakabukas naman ng isang metro ang floodgate ng dam. RNT