5 utas sa sagupaan ng 2 kumander ng MILF

5 utas sa sagupaan ng 2 kumander ng MILF

August 12, 2022 @ 3:25 PM 2 months ago


COTABATO- Limang katao ang nasawi kabilang ang isang sibilyan habang ang apat ay mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) nang magsagupa ang dalawang lider, Biyernes sa Pikit Cotabato.

Kinilala ang nasawi na sibilyan na si Lito Catulong Quinones, habang ang apat ay mga miyembro ng MILF at 3 rin ang nasugatan.

Batay sa report ng naganap ang engkuwentro sa Sitio Galigayanin Barangay Macabual, Pikit, Cotabato ng dalawang grupo nina Kumander Bugdad Matalam Akas at Ustadz Walid Mamasamlang .

Sa tindi ng bakbakan 5 ang naiulat na nasawi habang tatlo ang nasugatan.

Natigil lamang ang putukan pagdating ng mga matataas na lider ng MILF, militar, pulisya at LGU-Pikit na pumagitan sa gitna ng kaguluhan.

Inilakas naman ang mga residente sa evacuation center para maiwasan na madamay ang mga ito.

Ayon sa pulisya, nag-ugat ang engkwentro dahil sa rido makaraang pinaslang si Brgy. Chairman Jalandoni Matalam Akas noong nakalipas na buwan at gumanti ang kanyang mga kamag-anak. Mary Anne Sapico