5 Vietnamese nasagip sa human trafficking sa Paranaque

5 Vietnamese nasagip sa human trafficking sa Paranaque

November 27, 2022 @ 12:07 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nasagip ng mga awtoridad ang limang babaeng Vietnamese na biktima ng human trafficking sa isang entrapment at rescue operation na ikinasa sa isang condo unit sa Paranaque.

Ayon sa pulisya, nag-ugat ang operasyon sa sumbong ng isang dati ring narecruit na nauna nang nakatakas.

Dahil dito, arestado ang dalawang suspek na sangkot sa human trafficking.

Nakuha sa mga ito ang boodle money, isang SUV at cellphone.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng District Special Operations Unit ng Southern Police District sa Taguig ang mga suspek.

Inihahanda na ang nararapat na kaso laban sa dalawang nahuli. RNT/JGC