5 vintage bomb nahukay sa Davao

5 vintage bomb nahukay sa Davao

November 25, 2022 @ 8:16 AM 4 days ago


DAVAO CITY – Limang piraso ng vintage bomb ang nadiskubre ng isang excavator operator sa isang warehouse sa Catalunan Grande sa lungsod na ito, ayon sa pulisya noong Huwebes.

Sinabi ni Maj. Noel Villahermosa, hepe ng Talomo police station, nagsagawa na ang kanyang taunan ng  routine patrol sa kahabaan ng Catalunan Grande matapos i-report ng operator ang kanilang nahukay.

Sa pagresponde, kinumpirma ang mga ito na 75 mm. projectiles na may fuse pa.

Hinimok ni Villahermosa ang mga Dabawenyo na nakatuklas ng anumang pampasabog, tulad ng mga vintage bomb, na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya. RNT