5 wards ng Pasay City General Hospital, puno na

5 wards ng Pasay City General Hospital, puno na

November 3, 2022 @ 1:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng pamunuan ng Pasay City General Hospital na naabot na ng limang wards sa naturang ospital ang full capacity status nito.

Ito ang sinabi nitong Huwebes, Nobyembre 3 kung saan ang mga wards na naabot na ang full capacity ay ang mga sumusunod:

1. Emergency Room
2. Critical Care Ward
3. Medical Ward
4. COVID Ward
5. COVID ICU

Samantala, mayroon namang 17 pasyente ang nasa waiting list ng ER admission.

“It is strongly advised that all admissible patients be brought or transferred to other Healthcare Facilities for proper and immediate management,” pahayag ng PCGH. RNT/JGC