50 bahay naabo sa posporo

50 bahay naabo sa posporo

February 26, 2022 @ 3:36 PM 4 months ago


CEBU CITY- NAABO ang 50 bahay matapos tupukin ng apoy dahil sa pinaglaruan posporo ng mga bata Biyernes ng hapon sa lungsod na ito.

Ayon kay FO3 Emerson Arceo, duty fire investigator sa CCFO, bandang 2:42 PM nakatanggap sila ng alarma hinggil sa naganap na sunog sa ikatlong palapag na bahay ng isang Narcisa Porlasin, sa Sityo Palsy, Barangay Sambag 2, ng nasabing lungsod.

Lumabas sa pagsisiyasat naglaro ng posporo ang apat na batang may mga edad 5 na at posibleng napabayaan nakasindi dahil gawa lamang sa mga kahoy ang bahay.

Nagulat na lamang ang mga kapatid ni Porlasin na mula sa ikalawang palapag na may usok at amoy sunog.

Dito na nila nakita nag-aapoy ang bahay kaya dali-dali silang nakalabas ng bahay.

Pahirapan naman ang pag-apula sa sunog dahil masyadong makipot ang daan patungo sa bahay ni Porlasin.

Makalipas ang isang oras idineklarang fire out ang sunog at umabot sa P1.3-M ang natupok na mga ari-arian.

Wala naman napaulat na nasaktan o namatay sa nasabing sunog./Mary Anne Sapico