50 bahay wasak sa buhawi sa Iloilo

50 bahay wasak sa buhawi sa Iloilo

January 3, 2023 @ 3:48 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Lampas 50 tahanan ang nawasak sa magkahiwalay na pananalasa ng buhawi sa bayan ng Oton, Iloilo at Iloilo City nitong Martes ng umaga.

Umabot sa 39 bahay ang nasapul ng buhawi sa Iloilo City, sa mga barangay ng Santo Domingo at Santa Cruz.

Base sa datos ng Iloilo City Social Welfare and Development Office, 15 sa mga nasabing bahay ang partially damaged habang anim ang totally damaged sa Barangay Santo Domingo.

Sa Santa Cruz anman, 12 ang partially damaged habang anim ang totally damaged.

Ayon pa sa ulat, isang residente ang nagtamo ng sugat nang mabagsakan ng puno ng mangga ang kanilang bahay.

Natumba naman ang mga poste sa dalawang barangay.

Samantala, sa bayan ng Oton, 15 bahay sa Barangay Alegre ang nasira at ilang puno ang pinabagsak ng buhawi.

Inilikas naman agad ng mga awtoridad ang mga residente patungo sa ligtas na lugar.

Inaalam umano ng mga awtoridad ang kabuuang bilang ng mga apektadong bahay at halaga ng nasirang ari-arian. RNT/SA