50 bps rate hike ikakasa ng BSP kung…

50 bps rate hike ikakasa ng BSP kung…

March 3, 2023 @ 3:10 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas governor Felipe Medalla nitong Biyernes, Marso 3 na tataasan nila ang interest rates ng 50 basis points kung maitatala ang inflation na mas mataas pa sa 9 na porsyento.

Ayon sa BSP, ang susunod na rate hike ay posibleng nasa 25 o 50 basis points depende sa resulta ng pinakahuling economic data.

“Worst-case scenario is (inflation) above 9 percent. If that’s the case, clearly we have to do something,” ani Medalla.

Kung babalikan, pumalo sa 14-year high na 8.7% ang inflation noong Enero, dahilan para sa sabihin ng BSP na posibleng itaas ulit nila ang benchmark interest rate ng isa pang beses matapos ang naunang 50 basis points na taas noong Pebrero 16.

Ang inflation data para sa buwan ng Pebrero ay ilalabas sa Marso 7.

“Another month…of upside surprise for inflation could prod the BSP to hike more aggressively,” sinabi ni Nicholas Mapa, senior economist ng ING.

Noong nakaraang taon, walong beses na nagtaas ng interest rates ang BSP sa kabuuang 400 basis points.

Ani Medalla, inaasahang babalik na sa target range ng pamahalaan ang inflation pagsapit ng ikaapat na bahagi ng taon. RNT/JGC