50 magsasaka sa Davao Sur, naayudahan ng DOLE

50 magsasaka sa Davao Sur, naayudahan ng DOLE

February 4, 2022 @ 11:33 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Nakakuha ng halos P8 milyon na tulong pangkabuhayan mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang lalawigan ng Davao del Sur.

Sa pamamagitan ng DOLE Integrated livelihood Program (DILP), 50 beneficiaries na kabilang sa Kiblawan Small Farmers Association ang nakatanggap ng halagang P300,000 para sa bigas at veterinary supplies retailing station project.

Ang DILP ay isa sa mga punong programa ng DOLE na nagbubukas ng mga oportunidad sa ekonomiya sa mga mahihina at marginalized na manggagawa sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng access na magbigay ng tulong para sa capacity building sa mga entrepreneurial ventures, sa mga indibidwal o grupo.

Nakatanggap din ang local government units ng Digos City at Magsaysay ng P1,754,280 at P 299,800.00, ayon sa pagkakasunod, para sa pagpapatupad ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers Program (TUPAD) sa lalawigan.

Gayundin, ang Free Planters Cooperative ay nakatanggap ng P5,575,680 para sa pagpapatupad ng Government Internship Program sa lalawigan, kaya umabot sa kabuuang P7.929 milyon ang livelihood assistance na ibinigay sa lalawigan.

Nilalayon ng GIP na magbigay ng pagkakataon para sa mga kabataang manggagawa na magpakita ng mga kasanayan sa larangan ng serbisyo publiko at sa huli ay maakit sila upang ituloy ang isang karera sa serbisyo sa gobyerno

“The regional office is determined to bring more assistance, especially to the displaced workers in the region, through our various livelihood and employment programs. We are also motivated to improve and enhance our delivery of programs and services to support more workers during this challenging time,” ayon kay DOLE XI OIC-Regional Director Atty. Randolf C. Pensoy. Jocelyn Tabangcura-Domenden