50% ng mga Pinoy, naniniwalang ‘underpaid’ ang mga guro – Pulse Asia

50% ng mga Pinoy, naniniwalang ‘underpaid’ ang mga guro – Pulse Asia

July 20, 2022 @ 5:39 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Kalahati ng mga Pilipino ang naniniwalang ‘underpaid’ ang mga gurong nagtuturo sa mga pampublikong paaralan.

Sa survey ng Pulse Asia na isinagawa noong Hunyo 24 hanggang 27, lumalabas na 50% ng mga Filipino adult respondents ang naniniwalang kulang ang sinasahod ng mga public school teachers.

Nasa 37% naman ang naniniwalang sapat ang kanilang sahod; 3% ang naniniwalang overpaid ang mga guro at 10% ang undecided.

Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian na siyang nag-komisyon sa survey, napag-iiwanan na ang mga Pilipinong guro ng mga kapwa guro nila sa ASEAN.

Nabatid na nasa P25,000 lamang ang entry-level pay ng mga guro sa Pilipinas na napakababa kumpara sa P66,000 na sinu-sweldo ng guro sa Indonesia.

Kaugnay nito, isusulong ni Gatchalian sa 19th Congress ang pagpapataas sa sweldo ng mga guro sa pamamagitan ng kanyang Teacher Salary Increase Act. RNT/ JCM