50% ng Pinoy naniniwala, Pinas nasa tamang landas – survey

50% ng Pinoy naniniwala, Pinas nasa tamang landas – survey

October 7, 2022 @ 2:29 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Lumabas sa pag-aaral na kalahati ng mga Filipino ang naniniwalang nasa tamang landas ang bansa sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ang resulta ng PUBLiCUS Asia Survey na inilabas nitong Huwebes, Oktubre 6 kung saan ang Pahayag Third Quarter poll ay ginawa noong Setyembre 16-20, 2022.

Sa naturang pag-aaral, 51% ng mga Filipino ang naniniwala na matatag pa rin ang estado ng bansa samantala 71% ang nagsabing nasa tamang landas ang Pilipinas.

Dagdag pa rito, 65% ang umaasa na mananatiling aangat pa ang pamumuhay ng mga Pinoy sa nalalabing buwan ng taon.

Bagama’t bahagyang mababa ito kumpara sa resulta noong ikalawang bahagi ng taon, nananatiling positibo ang pananaw ng mga Filipino dahil na rin sa pananaw ng pamahalaan na lalakas ang ekonomiya at pisikal na aspeto ng bansa.

Sa PUBLiCUS survey, ilan sa tinukoy ng 1,500 respondents ang ekonomiya, korapsyon, kahirapan, mataas na presyo ng bilihin at trabaho ang ilan sa mga isyung inaasahan matutugunan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Samantala, si Vice President Sara Duterte ang “most trusted government official” na amy 66% approval rating sinundan ni Marcos sa 62%, Senate President Juan Miguel Zubiri sa 50%, sinundan ni House Speaker Martin Romualdez sa 46% at Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo na may 41%.

Ang Pahayag Third Quarter Survey ay isang independent, noncommissioned survey na isinagawa ng PUBLiCUS Asia. RNT/JGC