50 OFWs sa Cambodia nasagip mula sa illegal recruitment

50 OFWs sa Cambodia nasagip mula sa illegal recruitment

September 9, 2022 @ 4:56 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nasagip ng Philippine Embassy sa Phnom Penh ang 50 overseas Filipino workers (OFWs) na ni-recruit upang iligal na magtrabaho sa Cambodia, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Biyernes.

Nailigtas ang mga OFW, na nabiktima ng online scamming at catfishing sa Cambodia, mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon, base sa DFA.

Ang Catfishing ay akto ng paghikayat sa indibidwal sa pamamagitan ng paggamit ng pekeng personal profile.

“The Embassy and the DFA have issued warnings to Filipinos not to accept online job offers that promise a large paycheck but with unverified companies and vague employment details,” pahayag ng DFA.

Nakauwi na sa Pilipinas ang mga OFW matapos makipagtulungan ng DFA sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Overseas Workers Welfare Administration.

Nag-isyu ang POEA nitong Hulyo ng Advisory No. 44 kung saan nakasaad na ang which proseso ng direct hire applications para sa business processing sector sa Cambodia ay suspendido upang mapigilan ang illegal recruitment.

Nasagip naman Philippine Embassy sa Phnom Penh noong nakaraang taon ang 61 OFWs wna iligal na na-recruit sa pamamagitan ng online scams. RNT/SA