50 pang Pinoy patay sa COVID!

50 pang Pinoy patay sa COVID!

September 2, 2022 @ 8:32 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Pilipinas ng dagdag na 3,767 bagong kaso ng COVID-19, kaya tumaas ang kabuuang bilang ng bansa sa 3,883,957.

Sa mga bagong impeksyon, 1,016 ay mula sa Metro Manila, ayon sa datos ng Department of Health.

Sinabi rin ng DOH na mayroong 50 bagong pagkamatay na may kaugnayan sa COVID, kaya umabot na sa 61,864 ang kabuuang nasawi.

Ang bilang ng mga aktibong kaso ay umabot sa 22,259.

Ang positivity rate mula Agosto 28 hanggang 31 ay nasa 12.4 porsyento, na higit sa 5 porsyento na limitasyon ng World Health Organization upang ipahiwatig na ang pagkalat ng coronavirus ay kontrolado

Nauna nang sinabi ng DOH na mula Agosto 22 hanggang 28, nakapagtala ang bansa ng pang-araw-araw na average na 2,752 na impeksyon sa coronavirus, na mas mababa ng 19 porsiyento kumpara noong nakaraang linggo.

Sa mga bagong impeksyon sa linggong iyon, 110 ang malala at kritikal.  Jocelyn Tabangcura-Domenden