WB lumikha ng pondo pantugon sa pandemya

July 1, 2022 @10:38 AM
Views:
5
MANILA, Philippines- Inaprubahan ng board ng World Bank ang paglikha ng isang pondo na naglalayong pondohan ang mga pamumuhunan sa pagpapalakas ng paglaban sa mga pandemya.
Susuportahan ng pondo ang prevention, preparedness and response (PPR), na may pagtuon sa mga bansang low and middle income earners, sinabi ng bangko sa isang pahayag.
“The devastating human, economic, and social cost of Covid-19 has highlighted the urgent need for coordinated action to build stronger health systems and mobilize additional resources,” anang WB.
Idinagdag ng World Bank na ang pondo, na nilalayon nitong buksan sa huling bahagi ng taong ito, ay binuo sa ilalim ng pamumuno ng United States, Italy at Indonesia, bilang bahagi ng kanilang mga G20 presidency, at may malawak na suporta mula sa G20.
“The World Bank is the largest provider of financing for PPR with active operations in over 100 developing countries to strengthen their health systems,” ani World Bank President David Malpass sa isang pahayag.
Tinawag ang pondo bilang financial intermediary fund (FIF) ay popondo ” to complement the work of existing institutions in supporting low- and middle-income countries and regions to prepare for the next pandemic,” the World Bank said.
Ang World Health Organization ay isang stakeholder sa proyekto at magbibigay ng teknikal na kadalubhasaan, sinabi ng pangulo nitong si Tedros Adhanom Ghebreyesus. RNT
Basic education must be retaught-PBBM

July 1, 2022 @10:25 AM
Views:
14
MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na kinakailangang maire-orient ang mga estudyante sa basic education.
Pero mabilis din nilinaw ni PBBM na hindi niya tinutukoy dito ang pagrerebisa ng kasaysayan.
“What we teach in our schools, the materials used, must be retaught. I am not talking about history, I am talking about the basics, the sciences, sharpening theoretical aptitude and imparting vocational skills such as in the German example,”
Inakusahan ng mga kritiko ang pamilya Marcos ng historical revisionism matapos na nauna niya nang hilingin na rebisahin ang mga librong pang-edukasyon na naglalarawan ng “political propaganda” laban sa mahigit 20 taong rehimen ng kanyang ama.
Sa kanyang running mate na si Bise Presidente Sara Duterte bilang bagong kalihim ng edukasyon, naniniwala si Marcos na isang pinabuting sistema ng edukasyon ang mangyayari sa ilalim ng kanyang liderato upang matulungan ang mga mag-aaral na makakuha ng mas magandang trabaho.
“There is hope for a comeback. Vice President and soon Secretary of Education Sara Duterte-Carpio will fit that mission to a tee,” ani PBBM. RNT
Cagayan ginising ng magnitude 6 na lindol

July 1, 2022 @10:10 AM
Views:
16
MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude-6 na lindol ang lalawigan ng Cagayan, Biyernes ng madaling araw.
Ang pagyanig, na tectonic ang pinagmulan, ay tumama sa 27 km timog-silangan ng Dalupiri Island sa Calayan bandang 2:40 a.m.
Tumama ito sa lalim na 27 km.
Inaasahan ang mga aftershocks, sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Naiulat ang Intensity V sa Aparri at Calayan sa Cagayan, at sa Flora, Apayao.
Intensity IV naman ang naitala sa Peñablanca at Tugegarao City, Cagayan, habang Intensity III naman sa Vigan City at Sinait, Ilocos Sur.
Ang mga sumusunod na instrumental intensity ay naitala din sa:
Intensity V – Claveria, Cagayan
Intensity IV – Laoag City at Pasuquin, Ilocos Norte; Gonzaga at Penablanca, Cagayan
Intensity III – Vigan City at Sinait, Ilocos Sur; Ilagan, Isabela
Intensity II – Tabuk, Kalinga
Intensity I – Baler, Aurora; Santiago City, Isabela; Dagupan City, Pangasinan
Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Pacific “Ring of Fire,” isang arko ng matinding aktibidad ng seismic na umaabot mula sa Japan hanggang sa Southeast Asia at sa buong Pacific basin. RNT
Joma nagparamdam ng peace talks kay PBBM

July 1, 2022 @9:55 AM
Views:
23
MANILA, Philippines – Bukas ang Communist Party of the Philippines (CPP) na magdaos ng usapang pangkapayapaan sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
“NDFP (National Democratic Front of the Philippines) is always open to peace negotiations with the GRP (Government of the Republic of the Philippines) whoever is president. It was (former Pres. Rodrigo) Duterte who terminated the peace negotiations in 2017. But if the incoming Marcos administration is willing to talk, why not?” ayon kay CPP founding chairman Jose Ma. Sison sa isinagawang paglulunsad ng kanyang libro, araw ng Martes.
Gayunman, sinabi ni Sison, ang usapang pangkapayapaan ay hindi magpapatuloy hangga’t ipinatutupad ng pamahalaan ang “all-out war” policy laban sa grupong komunista.
“Right now, there are no indications that Marcos would like peace talks. Resuming peace negotiations is quite easy by simply reaffirming the agreements that were previously agreed upon and signed by the two parties in the negotiations,” dagdag na pahayag ni Sison.
Inalala pa ni Sison na noong rehimeng Marcos, ama ni Pangulong Marcos Jr., namuno sa bansa ng 21 taon mula 1965 hanggang 1986, nang magsimulang lumaki ang communist movement at nagpatuloy na lumawak ng sumunod na administrasyon.
“Each of the post-Marcos regimes from Aquino to Duterte had the uniform objective of using the peace negotiations only for a few months and not for more than a year, as a means of lip service to the cause of peace, carrying out military surveillance, preserving the exploitative and oppressive ruling system and trying to maneuver the NDFP into a position of capitulation,” giit ni Sison.
Nauna nang sinabi ni National Security Adviser Clarita Carlos na inaasahan na niya na hindi maisusulong ang peace talks sa communist rebels sa ilalim ng bagong Marcos administration.
Hindi na makikipag-usap ang pamahalaan sa komunistang grupong National Democratic Front of the Philippines (NDFP).
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, hindi na niya itutulak ang muling pakikipag-usap sa mga rebelde dahil sa “lack of accountability” mula sa mga ito (rebelde) para sa krimen na kanilang ginawa. Kris Jose
Bomb courier patay sa engkwentro

July 1, 2022 @9:40 AM
Views:
29