500 daily COVID case sa NCR posible sa Araw ng mga Puso

500 daily COVID case sa NCR posible sa Araw ng mga Puso

January 26, 2022 @ 7:19 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Base sa pagtataya ng isang independent research group OCTA na maaaring umabot na lang sa 500 ang maitatalang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila sa Valentine’s Day, Pebrero 14, kasabay ng paghupa ng nararanasang surge.

Batay sa datos ng Department of Health, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na nasa 2,751 bagong COVID cases ang naitala sa National Capital Region nitong Martes, Enero 25.

“Actuals [estimates] are still tracking below the Jan. 20 projections. At this rate, new cases in the NCR [National Capital Region] could go below 500 by Feb. 14,” dagdag pa ni David.

Iginiit pa ni David na bumaba na rin sa 0.71 ang reproduction number sa NCR, na nanganaghulgan ng downward trend sa bagong kaso at aktibong kaso.

Sa kabila nito, pinaalalahanan niya pa rin ang publiko na huwag pakampante. RNT