500 grams ng shabu nakumpiska ng PDEA SES, suspek arestado

500 grams ng shabu nakumpiska ng PDEA SES, suspek arestado

July 17, 2018 @ 8:43 AM 4 years ago


 

Quezon – Aabot sa 500 grams o katumbas ng kalahing kilo ng high grade shabu na may street value ng 3.4 million pesos ang nakumpiska ng pinagsanib puwersa ng PDEA ARMM at Philippine Drug Enforcement Agency Special Enforcement Service matapos ikasa ang drug buy-bust operation nagresulta ng pagkakaaresto sa isang tulak ng droga sa lungsod ng Quezon.

Kinilala ang suspek na si Rashdei Majindie Ynawat, batay sa report ni PDEA SES Regional Director Levi Ortis, kay PDEA Director General Aaron N. Aquino, ikinasa ang drug buy-bust operation sa harapan ng Mang Inasal, 285 Tandang Sora cor ng Visayas Ave, lungsod Quezon.

Nakuha sa suspek ang isang large self sealing na transparent plastic sachet na umano’y naglalaman ng shabu at marked money ayon sa team lider ngPDEA SES na si agent Alvin Morales, dalawang linggo nilang isinagawa ang tranksakyon ang una ay dalawang kilo ang kanilang order ngunit napunta nalang sa kalahating kilo at dito na nila napapayag ang suspek kaya nagresulta ang matagupay na pagkakaaresto ng suspek sa naturang lugar.

Sa panayam sinabi ni director ortis , isa sa dalawang grupo ang kinaaaniban ng suspek na hindi muna binag-git ang pangalan na target ngayon.