500 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa may Central Market

500 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa may Central Market

August 3, 2022 @ 9:06 AM 1 week ago


MANILA, Philippines- Nasa 500 pamilya ang nawalan ng bahay matapos tupukin ng apoy ang isang residential area malapit sa Central Market sa Fugoso St., Sta. Cruz, Manila kahapon.

Mabilis na inakyat ng Bureau of Fire Protection (BFP)sa ikalimang alarma ang sunog nitong Martes, 1:35 ng hapon.

Maagap namang lumikas ang mga residente bitbit ang kanilang mga gamit ngunit karamihan ay walang mga naisalba.

Dahil malapit sa palengke ang mga kabahayan ilang mga vendor na nakatira sa lugar ang wala ring nailigtas maging ang kanilang konting maipon

Naapula ang sunog pagsapit ng alas-3:23 ng hapon.

Samantala, kinailangan ding ilikas ang ilang pasyente ng Fabella Hospital dahil sa makapal na usok na nagmumula sa malaking sunog sa lugar.

Pinaniniwalaang short circuit ang dahilan ng mabilis na paglaki ng sunog pero ito ay iniimbestigahan pa.

Dahil inakyat sa ikalimang alarma o general alarm, umabot sa 24 mgaa firetrucks ang rumesponde sa sunog at dalawang ambulansya.

Kaugnay nito, inihahanda na rin pamahalaan ang anumang tulong na maaring maiabot sa mga biktima ng sunog kung saan ang mga opisyal ng barangay ay isa-isang kinuha ang mga pangalan ng mga residente bakwit. Jocelyn Tabangcura-Domenden