500 seafarers binakunahan sa Taguig City

500 seafarers binakunahan sa Taguig City

July 7, 2021 @ 10:16 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Nakatanggap ng bakuna kontra coronavirus disease (COVID-19) ang 500 seafarers sa Bonifacio Global City High Street Mega Vaccination Hub sa Taguig City.

Ayon kay Philippine Seafarers Union – Associated Labor Union spokesman Allan Tanjusay malaking tulong ito para sa mga sasampang seafarer sa susunod na buwan.

Nagpasalamat din ito sa pagprayoridad sa mga OFW at pagbibigay ng Pfizer vaccine na requirement ng karamihang shipping companies.

“Dahil sa pagbabakunang ito, babalik na ang competitiveness ng Filipino seafarers sa shipping industry sa buong mundo, ang mga Filipino seafarers po, sila po amg backbone ng shipping industry sa buong mundo,” ani Tanjusay sa isang press conference.

Dumalo sa pagbabakuna ang mga opisyal ng Taguig City, National Task Force Deputy Chief Implementer Sec. Vince Dizon at Presidential spokesperson Harry Roque. RNT/ELM