500 tinamaan ng COVID sa loob ng isang linggo sa Bulacan

500 tinamaan ng COVID sa loob ng isang linggo sa Bulacan

January 4, 2022 @ 1:47 PM 7 months ago


Bulacan-Pumalo sa 551 ang aktibong kaso ng COVID-19 mula sa dating bilang na 70 sa loob ng isang linggo na pinaghihinalaang dulot ng surge ng Omicron sa lalawigang ito.

Sa update ng Provincial Health Office (PHO) bandang 4:00 pm,nitong Lunes,Disyembre 3 pumalo sa 551 dahil sa karagdagang 160 fresh cases.

Napag-alamang nasa 51 ang naitalang pinakamababang kaso nitong Disyembre 27 dahil sa pitong fresh cases.

Pumalo naman ng 70 dahil sa pitong fresh cases nitong Disyembre 28 at 80 naging aktibong kaso nitong Disyembre 29 dahil sa naitalang 13 karagdagang fresh cases.

Samantala,umabot na sa 90,439 ang nakarekober habang 1,481 ang namatay at nasa 92,000 ang kabuuang beripikadong kaso sa lalawigan simula noong Marso 2020.

Paalala ng kinauukulan sa publiko,sumunod sa health protocol, gaya nang pagsuot ng face mask, palagiang paghugas ng kamay at panatilihin ang social distancing.(Dick Mirasol III)