5,000 arawang COVID-19 cases maitatala sa katapusan ng Pebrero – OCTA

5,000 arawang COVID-19 cases maitatala sa katapusan ng Pebrero – OCTA

February 2, 2022 @ 7:18 AM 8 months ago


MANILA, Philippines — Maaaring bumulusok sa 5,000 kaso ang maitatala na lang kada araw sa Pilipinas bandang katapusan ng Pebrero, ayon sa OCTA research group.

Sinabi pa ng grupo na ang naramdamang pagsipa ng COVID cases nitong Enero ay humupa na sa “almost all of Luzon”, ani OCTA fellow Guido David.

Habang nagsisimula na rin umanong bumaba ang kaso sa ilang parte ng Visayas at Mindanao tulad ng sa Cebu City, Tacloban, Iloilo, at Davao City.

 

“Sa mid to late February, sa buong Philippines, ang pino-project natin, bababa [ang mga kaso] to less than 10,000,” ani David.

“In fact, by late February, I’m expecting baka malapit na sa mga 5,000 cases per day na lang,” paggigiit ng eksperto.

 

Nitong Martes nang makapagtala ang Department of Health ng mas mababa sa 10,000 kaso ng COVID sa Pilipinas. RNT