5,000 BBM supporters dumayo sa Intramuros para sa inagurasyon

5,000 BBM supporters dumayo sa Intramuros para sa inagurasyon

June 30, 2022 @ 12:13 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Umabot sa 5,000 ang crowd estimate o mga tao sa Intramuros Golf course na nais masaksihan ang inagurasyon ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr ngayong Huwebes.

Pero maraming supporters ang dismayado dahil inabot sila ng cut-off sa gate sa bahagi ng Victoria St. sa tapat lamang ng Manila City Hall.

Karamihan sa mga nakikiusap na makapasok sa Golf course ay Cecilia Bacani at Lovi Santos na bumiyahe pa galing Ilocos Sur.

Base kasi sa oras na maari lamang makapasok ay alas 6 ng umaga hanggang alas 9 ng umaga lamang pero ginawa itong alas 10 saka isinara ang mga gate.

Nakiusap naman ang mga awtoridad sa mga supporters na nakipagtulongan at unawain sila dahil gustohin man nilang magpapasok ngunit pinamagatang na ng mga PSG (Presidential Security Group).

Samantala, nagpapatuloy ang programa sa Plaza Miranda sa pangunguna ng
KMU, Bayan Muna, Act Teacher Piston at Kabataan Partylist. Jocelyn Tabangcura-Domenden