5,000 PDLs palalayain ng DOJ sa 2023

5,000 PDLs palalayain ng DOJ sa 2023

October 6, 2022 @ 8:57 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na target ng Department of Justice na makapagpalaya ng 5,000 persons deprived of liberty hanggang sa Hunyo 2023 sa pagsisikap nito na mapaluwag ang mga bilangguan sa bansa.

“I am personally committed to continuing regular releases and aim to have 5,000 released by June next year,” ani Remulla sa talumpati nito sa United Nations (UN) Human Rights Council session.

Matatandaan na noong nakaraang buwan, 191 PDLs ang pinalaya mula sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa, 37 mula sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong, at 143 mula sa iba pang mga kulungan at penal farm sa bansa.

Sinabi ni Remulla na ang DOJ ay “mahigpit na nakikipagtulungan” sa Department of Interior and Local Government at sa Korte Suprema sa pamamagitan ng Justice Sector Coordinating Council.

Noong Hulyo, sinabi ni Interior Secretary Benhur Abalos na ang pagsisikip ng bilangguan ay bumaba mula sa “612% noong 2017 hanggang 387% noong Hunyo 2022.” RNT