$500M loan ng Pinas sa ADB, aprub na

$500M loan ng Pinas sa ADB, aprub na

January 26, 2023 @ 7:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Asian Development Bank nitong Huwebes na inaprubahan nito ang $500 million (P27.2 bilyon) policy-based loan para tulungan ang pamahalaan na tugunan ang epekto ng pandemya sa trabaho, hanapbuhay at sa labor market.

Sinabi ng Manila-based multilateral lender na inaasistihan nito ang gobyerno sa sa paglikha ng mga trabaho sa ilalim ng post-COVID-19 Business and Employment Recovery Program nito.

“With the economy slowly moving towards a sustainable growth path, it is important to ensure private enterprises are supported with policies that make it easier for them to do business and generate employment,” pahayag ni ADB Senior Public Management Economist Sameer Khatiwada. 

“This program is expected to help create jobs, get businesses back into action, and pave the way for displaced workers, youth, and women to return to the labor market by enhancing their skills through training and linking them to good quality jobs,” dagdag ni Khatiwada. 

Inilunsad ng pamahalaan ang National Employment Recovery Strategy (NERS) 2021–2022 para pagbutihin ang mga trabaho. Sinabi ng ADB na makatutulong ang bagong loan program sa pagpapatupad ng pamahalaan ng NERS at maabot ang target nito sa 2025.

Isa ang Pilipinas sa pinakaapektado ng employment decline noong pandemya. RNT/SA