505 nagtapos sa Navotas Polytechnic College

505 nagtapos sa Navotas Polytechnic College

August 30, 2022 @ 1:11 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Binati nina Navotas Mayor John Rey Tiangco, Congressman Toby Tiangco, mga konsehal at iba pang opisyal ng lungsod ang 505 na mga estudyante na nagtapos sa Navotas Polytechnic College.

Inanunsyo ni Mayor John Rey Tiangco na makatatanggap ng P1,500 graduation incentive ang mga ito mula sa pamahalaang lungsod.

Pinaalalahanan naman ni Cong. Toby Tiangco ang mga nagtapos na tuloy-tuloy na matuto ng iba’t ibang kaalaman at kasanayan dahil magbubukas ito ng mas maraming oportunidad sa kanila. Jojo Rabulan