50K-70K mababawas sa COVID-19 UP projection dahil sa MECQ

50K-70K mababawas sa COVID-19 UP projection dahil sa MECQ

August 3, 2020 @ 1:50 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Maari umanong mabawasan ng 50,000 hanggang 70,000 ang panibagong UP projection ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ngayong Agosto dahil sa muling pagpatutupad ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at iba pang kalapit na lugar, ayon sa isang eksperto mula University of the Philippines.

Ayon kay Professor Ranjit Rye ng UP OCTA research team na sa kanilang forecast ay maari umanong umabot sa 220,000 COVID-19 cases sa bansa sa katapusan ng Agosto kung mananatili ang bansa sa general community quarantine (GCQ).

Dahil sa pagpatutupad ng MECQ, maaring mabawasan ang kanilang projection ng 50,000 hanggang 70,000 kaso.

“Ngayon naka-MECQ, we will save more than 50,000 new cases,” ani Rye.

Ayon pa kay Rye na malaki ang magiging impak ng MECQ sa pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

“Malaking bagay na ho, kayang kaya, malaking bagay na ho na nagdesisyon ang gobyerno, kahit na napakalaki ng cost nito, na mag-MECQ,” aniya.

“Doon pa lang ho malaki na ang impact sa R (reproduction number), na kung paiigtingin pa yung T3 (testing, tracing, treatment) at sasamahan ng matinding kooperasyon ng private sector at civil society, walang kaduda-duda, in 15 days, babagsak ‘to to one,” giit ni Rye.

Sa kabila nito, hinikayat naman niya ang publiko na huwag nang lumabas at palagiang mag-physical distancing.

Matatandaang dininig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kahilingan ng mga frontliner na magkaroon ng 2-week time-out o breathing period para sa hanay ng health care workers dahil napapagod na umano ang mga ito. RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...